September 2, 2019 nagviral yung dance praktis ng esbi pero dahil hindi ako mahilig mag soc. med. hindi ko agad sila nakita nung araw na yan pero September 6, 2019 nung napanood ko yung dance praktis nila syempre search sa youtube follow sa soc med nila.
Aurum (unofficial) pa dati tawag sa fandom tapos naging nameless fandom with official logo and color hanggang sa maging A& #39;TIN na nga. Masasabi ko na isa talaga ako sa sumuporta sa kanila simula nung mag viral sila.
Una ko sila nakita sa dream concert. Tinago ko pa talaga tung ticket pati yung mga binibigay actually may modess din na binigay 1 pack pero ginamit ko na yun syempre hahaha. Ang swerte ko lang kasi ang lapit ko sa stage (naiiyak na ako feeling ko journey ko ito)
Yan yung mga unofficial merch ko na nakuha sa Bday fan projects ni Josh at Pablo. Yung iba is nabili ko rin for a cause kung makikita niyo may doble dyan hahah ang saya lang kasi ang dami ko na merch nila bago pa ako maging OT5 stell stan po ako kaya marami akong photo ni stell.
Sinong hindi makakaalala sa mall show na ito? Starmall bulacan mga kaps grabe yung mga tao nun sobrang daming tao syempre ako ba mapagsamantala dahil alam ko na kapag sobrang sikat na sila mahirap na silang makita kaya VIP ako dyan haha. Dumayo pa ako ng bulacan diyan.
Sparkling magazine mga kaps. Binuksan ko na yan binalik ko lang sa plastic syempre kailangan ingatan.
3rd time ko sila nakita sa GITZ: Manila Concert. Yes kasama ako sa nangyaring blue ocean sa cuneta astrodome wala ako masyadong photo diyan kasi palobat na phone ko tapos malayo po kami sa stage hirap kasi kumuha ng ticket nun.