Mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga magjowa kahit alam pa nila sa sarili nila na mahal pa nila ang isa& #39;t isa.

A thread;
Napagod.
Darating tayo lahat sa puntong mararamdaman natin na pagod na tayo. Kakaintindi. Kakasabi. Paulit ulit lang. Nakakapagod ipagpilitin yung sarili mo sa taong hindi swak para sa ugali mo.
Nagsawa.
Magsasawa at magsasawa ka. Lalo na sa puntong paulit ulit nalang yung nangyayare. Away. Bati. Repeat. Mas matagal pa yung away kesa sa pag uusap nyo ng matino.
Nakakasawang masaktan sa paulit ulit na dahilan.
Di mo na alam worth ng sarili mo.
Kakabigay mo ng oras at atensyon sa kanya. Napapabayaan mo na yung sarili mo. Kakauna mo sa kanya, di mo na namamalayan na nag iba na ugali mo. Hindi mo kailangang sundin lahat ng gusto ng taong mahal mo para mag fit kayo together.
Time for yourself.
For you to grow, you need to let something/someone go. Baka isang araw magising ka nalang na feeling mo ubos na ubos kana. Minsan habang hineheal mo yung taong mahal mo. Di mo namamalayan na sugatan kana. Give time for yourself!
Selfishness.
Pag pumasok ka sa relasyon. Dapat yung mindset mo DALAWA NA KAYO. Hindi porke gusto mo, ipipilit mo. Wag palaging yung gusto lang naten. Tanungin mo ren partner mo. Wag mong hayaan na nagsasaya ka tapos sya hinfi. Unfair yon boss.
Pride.
Walang masama kung magbababa ka ng pride. Walang mawawala sayo kung magsosorry ka kahit wala kang mali. Be matured enough. Di na tayo bata. Pag mataas ang pride. Mas mataas yung chance na maghiwalay..
Minsan di naman talaga totoo na kaya kayo naghiwalay kase wala na agad feelings. Hindi totoo yon. Siguro napapangunahan lang ng emotions. Especially ng galit.
Pero minsan mas pipiliin mo nalang na makipaghiwalay kesa magdesisyon na balikan ulit siya. Para kalang ulit nanood ng movie na napanood mo na. Alam mo naman yung ending pero pinanood mo pa ren.
Bago ka magmahal ulit. Hayaan nyo munang magheal yung isat isa. Piliin mo yung taong tutulungan ka maggrow. Yung taong kaya kang sabayan sa lahat ng trip mo. Wag mong bilisan ang paglalakbay kaibigan. Baka marami kang malampasan.
You can follow @buuuuuuuuAYA.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: