Ayokong magbago yung tingin ko sa mga tao dahil sa mga alam ko
Worst breakdown ever! Ito yung pagkabreakdown ko na sinira lahat ng sakin, gusto ko takasan, gusto ko mawala na lang, pero andami kong natutunan, sobra yung galit, pag iwas, na natanggap ko, pero kailangan ko matuto.
Di ko sinasabing mali magbreakdown, kontrolin yung sarili sa pag iyak, may time na kahit nasan ako di ko mapigilan umiyak. May time na nakatulala ako sa jeep, nagkkunyaring tulog, hanggang di ko mamalayan na anlayo ko na sa dapat kong bababaan.
Sa mga oras, araw, walang hindi pagbangon, sinisisi yung sarili sa lahat, sa pagsabog sa lahat, gusto kong manakit, na may tanong sakin na bakit ako lang mag-isa. At doon sa pag iisa kong yon doon ko natagpuan yung ako, yung tunay na ako.
Grabe yung pag-iisa na naranasan ko, kung pano iwasan, that time may chinat din ako na tinanong ko sya "bakit di mo na ko chinachat? Namimiss na kita kasama" lagi ko tong kasama, kausap nung naging close kami, tapos yung sagot nya nagulat ako "kasi baka masaktan mo lang din ako"
Di ko inexpect, pero di ko na tinanong kung bakit and I just honor her feelings! *walang nagbago samin, tinanggap ko na iniwasan nya ako, okay kami https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="🙂" title="Slightly smiling face" aria-label="Emoji: Slightly smiling face">* ang masakit lang sa part ko bakit pag ako na yung may kailangan, bakit wala akong malapitan. Pero tanggap pa din dapat!
At hanggang sa tumagal, may mga desisyon sa isip ko na ah baka kasi ganto dapat, ah dapat ganyan ako, pero wala sa mga pag iisip na yon yung nagawa ko, go with the flow lang, hanggang sa napansin ko na paulit ulit na lang sa araw araw yung ginagawa ko.
At doon nagsimula, ang pagyakap sa sitwasyon na meron ako, pagyakap sa kapayapaan na mag-isa sa ginagalawan ko. At halos 2 buwan na din ang nakalipas na kaya ko na ulit sabihin na okay ako na walang panduduga sa sariling nararamdaman https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="🙂" title="Slightly smiling face" aria-label="Emoji: Slightly smiling face">
Okay ako sa lahat https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="🙂" title="Slightly smiling face" aria-label="Emoji: Slightly smiling face"> ang kailangan ko lang pala tumanggap ng tumanggap, pero hanggang kelan, may nagsabi din nito sakin, na hanggang kailan mo kayang tumanggap ng nararamdaman ng iba kung di mo masabi sa kanila yung nararamdaman mo sa sitwasyon na di mo rin naman ginusto.
Sabi ko lang sa kanya, okay lang na tumanggap ako, may part sakin na ako lang to, hanggang dumating sa point na, di ko na kaya, and doon ko narealize na hindi ako nag iisa sa season na yon, God is within me. Na oo nga He hate the sins but He loves the sinners! Iyak!
Kaya hindi ko inis-skip yung season ng brokenness ko! Broken man sa lahat, sa relasyon, sa school, sa family, sa church, sa pipol, they always be broken but I found God working, moving to my situation, He turn brokenness to whole!! Theres grace within brokenness!
Kaya naging fave ko din yung Grace changes everything, na pangit man yung sitwasyon, pangit yung mga nangyayari, laging may grace sa lahat! Kaya I proud to say na nakalaya ako sa sarili kong pagkakakulong!! And now I enjoy the freedom and peace that I have right now! OKAY NA KOO!
Di mabilis yung proseso, pero pipiliin padin dapat magpagaling! Hanggang sa paggamot, pagpapagaling may mga sakit, pero iba kapag pinili mo magpahilom sa tamang proseso!! Call, cry out to God! Nahihiya ka? Always remember He only hates the sin but He loves the sinner! Cheer up!!
Broken ka? Read this thread I just want to encourage you! Don& #39;t skip the brokenness! Love your season! He cares for you, He loves you! And I love you too!! Cheer up!! https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="❤️" title="Red heart" aria-label="Emoji: Red heart">
You can follow @asimatet.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: